PANALANGIN SA MGA YUMAO (SAN GREGORIO)
PANALNGIN NG PAGSISISI N: Panginoon kong Hesu-kristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, na ikaw nga po ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko na iniibig kong lalo sa lahat. Nagtitika matibay na di muling magkakasala sa iyo. Nagtitika akong magumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin, alang-alang sa mahal na pasyon at pagkamatay mo sa Cruz nang dahil sa amin at lahat ng tao. S: Siya nawa. ROSARIO NG PAGHIHIRAP (PAMUKAW- LOOB) N: Buksan mo na Panginoon namin ang mga labi , at pakalinisin ang aming mga puso, at liwanagin ang aming mga isip sa walang kapakanang maling akala. Papagningasin mo ang aming nasa, nang mangunam-gunam naming mataimtim ang mga pinagdaanang h...