PANALANGIN SA MGA YUMAO (SAN GREGORIO)


PANALNGIN NG PAGSISISI

N:         Panginoon kong Hesu-kristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, na ikaw nga po ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko na iniibig kong lalo sa lahat. 


        Nagtitika matibay na di muling magkakasala sa iyo. Nagtitika akong magumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin, alang-alang sa mahal na pasyon at pagkamatay mo sa Cruz nang dahil sa amin at lahat ng tao. 


S:         Siya nawa.

ROSARIO NG PAGHIHIRAP

(PAMUKAW- LOOB)

N:        Buksan mo na Panginoon namin ang mga labi , at pakalinisin ang aming mga puso, at liwanagin ang aming mga isip sa walang kapakanang maling akala.

      Papagningasin mo ang aming nasa, nang mangunam-gunam naming mataimtim ang mga pinagdaanang hirap at kamatayan sampu ng kapaitang dinalita ng marangal Mong Ina , nang kami ay maging dapat Mong dinggin sa harap ng di matingkalang kapangyarihan, nang nabubuhay Ka at naghahari magparating man sa walang hanggan.

S:         Siya nawa.

__________________________________________
(Uulitin ng 5 beses)

N:      Lubhang maawaing Hesus; lingapin ng mata mong maamo ang kaluluwa ng mga bininyagang nangamatay na, lalong lalo na si : _________________________, nang dahil sa kanila ay nagpakasakit ka at namatay sa Cruz. 

S:         Siya nawa.

ANG PINAKA ABA GINOO MARIA
(ANG PAGSASARIWA SA HIRAP NI HESUS)

N1:      Hesus ko, alang-alang sa masaganang dugo na iyong ipinawis nang manalangin ka sa halamanan

S:        Kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni _________

N2:      Hesus ko alang-alang sa tampal na tinanggap ng iyong kagalang-galang na mukha

S:        Kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni _________

N3:     Hesus ko alang-alang sa masakit na hampas na iyong tiniis.

S:        Kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni _________

N4:     Hesus ko alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa kasantu-santusan mong ulo.

S:        Kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni _________

N5:     Hesus ko alang-alang  sa paglakad mo sa lansangan ng kapaitan, na ang Cruz ay iyong pasan-pasan.

S:        Kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni _________

N6:     Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusan mong mukha na naliligo sa dugo at iyong binayaan malarawan sa birang ni Veronica.

S:        Kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni _________

N7:     Hesus ko alang-alang sa damit mong natigmak na dugo na biglang pinaknit at hinubad sa iyong katawan ng mga tampalasan.

S:        Kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni _________

N8:     Hesus ko alang-alang sa kasantu-santusan mong katawan na napako sa Cruz.

S:        Kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni _________

N9:     Hesus ko alang-alang sa iyong kasantu-santusang paa at kamay na pinakuan ng mga pakong ipinagdalita mong masakit.

S:        Kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni _________

N10:    Hesus ko alang-alang sa tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat at binukalan ng dugo at tubig.

S:        Kaawaan mo at patawarin ang kaluluwa ni _________

N:       Pagkalooban mo siya ng Panginoon ng kapayapaang walang hanggan.

S:        Bigyan Mo po siya ng ilaw at liwanag na walang katapusan

N:        Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.

S:        Siya nawa.

(Hangang dito ang uulitin ng 5 beses)
__________________________________________

PAGHAHAIN

Katamis-tamisang Hesus ko, na sa pagsakop mo sa sangkatauhan ay inibig mong ikaw ay ipanganak, tumulo ang iyong mahalagang dugo sa pagtitiis, inalipusta ng mga hudyo. Napasakamay ng iyong mga tampalasan, sa paghalik ni Hudas, Ginapos ng mga lubid, dinala sa pagpaparipahan sa iyo, tulad sa Korderong walang sala. iniharap kay Anas, kay Caiphas, kay Pilato, at kay Herodes. 

Niluran, pinaratangan at pinatotohanan ng mga saksing sinungaling. Tinampal, inalimura, natadtad ng sugat ang buo mong katawan sa hampas ng suplina. Pinutungan ng koronang tinik, natakpan ang iyong mukha ng isang purpura sa pagpapalibhasa sa iyo. 

Nalagay sa pagkahubong kahiya-hiya, napako sa cruz at natindig sa kaniya, napagitna sa dalawang magnanakaw na parang isa sa kanila, pinainom ng apdong nilahukan ng suka at ang iyong tagiliran ay sinila ng isang sibat.

Hanguin mo na Panginoon ko alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para ng dalitain ng Iyong kasantu-santusang pagpapakasakit at pagkamatay sa cruz sa mga hirap sa impierno, nang kami ay maging dapat na pumasok sa payapang kaharian na Iyong pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw na nakisama sa Iyong na naripa sa cruz, Nabubuhay ka nga at naghahari na sa kasamahan ng Diyos Ama at Diyos Espiritu Santo magpasawalang-hanggan.

S:        Siya nawa.

LITANYA NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

N1:        Panginoon.

S:        Maawa Ka sa kanya/kanila.

N2:        Kristo.

S:        Maawa Ka sa kanya/kanila.

N3:        Panginoon.

S:        Maawa Ka sa kanya/kanila.

N4:        Kristo.

S:        Pakinggan Mo siya.

N5:        Kristo.

S:        Pakapakinggan Mo siya

N6:        Diyos Ama sa langit.

S:        Maawa Ka sa kanya/kanila.

N7:        Diyos Anak na tumubos sa Sanlibutan.

S:        Maawa Ka sa kanya/kanila.

N8:        Diyos Espiritu Santo.

S:        Maawa Ka sa kanya/kanila.

N9:        Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos.

S:        Maawa Ka sa kanya/kanila.

Tugon:        "Ipanalangin mo siya/sila."

N10:        Santa Maria      (Tugon)                                     
N11:        Santang Ina ng Diyos (Tugon)
N12:        Santang Birhen puno ng mga Birhenes (Tugon)
N13:        Ina ni Kristo (Tugon)
N14:        Ina ng grasya ng Diyos (Tugon)
N15:        Inang kasakdal-sakdalan (Tugon)
N16:        Inang walang malay sa kahalayan (Tugon)
N17:        Inang di malapitan ng masama (Tugon)
N18:        Inang kalinis-linisan (Tugon)
N19:        Inang kaibig-ibig (Tugon) 
N20:        Inang kataka-taka (Tugon)
N21:        Ina ng may gawa sa lahat (Tugon)
N22:        Inang mapag-adya (Tugon)
N23:        Ina ng mabuting kahatulan (Tugon)
N24:        Birheng kapahampahaman (Tugon)
N25:        Birheng dapat igalang (Tugon)
N26:        Birheng dapat ipagbantog (Tugon)
N27:        Birheng makapangyayari (Tugon)
N28:        Birheng maawain (Tugon)
N29:        Birheng matibay na loob sa magaling (Tugon)
N30:        Salamin ng katuwiran (Tugon)
N31:        Luklukan ng karunungan (Tugon)
N32:        Mula ng tuwa namin (Tugon)
N33:        Sisidlan ng kabanalan (Tugon)
N34:        Sisidlan ng bunyi at bantog (Tugon)
N35:        Sisidlan ng bukod tanging kataimtiman (Tugon)
N36:        Rosang bulaklak, na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga (Tugon)
N37:        Torre ni David (Tugon)
N38:        Torreng garing (Tugon)
N39:        Bahay na ginto (Tugon)
N40:        Kaban ng tipan (Tugon)
N41:        Pinto sa Langit (Tugon)
N42:        Talang maliwanag (Tugon)
N43:        Mapagpagaling sa mga may sakit (Tugon)
N44:        Sakdalan ng mga taong makasalanan (Tugon)
N45:        Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati (Tugon)
N46:        Mapag-ampon sa mga kristiyano (Tugon)
N47:        Reyna ng mga Angel (Tugon)
N48:        Reyna ng mga patriarka (Tugon)
N49:        Reyna ng mga profeta (Tugon)
N50:        Reyna ng mga apostol (Tugon)
N51:        Reyna ng mga martir (Tugon)
N52:        Reyna ng mga confesor (Tugon)
N53:        Reyna ng mga birhen (Tugon)
N54:        Reyna ng mga santo (Tugon)
N55:        Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal (Tugon)
N56:        Reynang iniakyat sa langit (Tugon)
N57:        Reyna ng kasantu-santuhang rosario (Tugon)
N58:        Reyna ng kapayapaan (Tugon)

DADAGOK SA DIBDIB

N1:        Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan.

S:        Patawarin Mo po siya/sila Panginoon namin.

N2:        Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan, 

S:        Pakapakinggan Mo po siya/sila Panginoon namin.

N3:        Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan.

S:        Maawa Ka sa kanya/kanila.

𝑺𝒖𝒃 𝑻𝒖𝒖𝒎 𝑷𝒓𝒂𝒆𝒔𝒊𝒅𝒊𝒖𝒎

N4:        Sa ilalim ng Iyong pagkakandili, O Santang Ina ng Diyos, kami ay lumililong, huwag mong talikdan ang aming pag-aamo-amo kung dinaratnan ng kasalatan bagkus iadya mo kami sa lahat ng panganib, Birheng Mahal at Maluwalhati. Ipanalangin mo kami O Santang Ina ng Diyos

S:        Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukritong aming Panginoon.

Lahat:        Panginoon namin, dingin mong malugod ang aming pag-amoamo at dumating nawa sa Iyong mahal na tainga ang aming pagtangis. (tatlong ulit)


PANALANGIN

N1:        Ipinagtatagubilin sa Iyo Panginoon namin (ang mga kaluluwa sa purgatoryo) ang kaluluwa ng iyong aliping si __________________ na sapagka't pumanaw na dito sa mundo ay mangyaring Iyong ipatawad (sa kanila) sa kanya, alang-alang sa walang katapusang awa ang mga kasalanang nagawa, at laging mangabuhay sa Iyo magpasawalang hanggan.

S:        Siya nawa.

N2:        Para sa kaluluwa ni ________________________

SUMASALAMPALATAYA

tatlong ulit nang Ama namin, aba ginoong Maria, Luwalhati:

N1:        Ama namin, sumasalangit Ka.
              Sambahin ang ngalan Mo.
              Mapasaamin ang kaharian Mo.
              Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit.

S:        Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
            At patawarin Mo kami sa aming mga sala
            Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
            At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
            At iadya Mo kami sa lahat ng masama

            Amen

N2:        Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat At pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus. 

S:           Santa Maria, Ina ng Diyos Ipanalangin mo kaming makasalanan Ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.

N3:        Luwalhati sa AMA, at sa ANAK, at sa ESPIRITU SANTO, 

 S:           Kapara noong unang-una, ngayon, at magpakailanman, at magpasawalang hanggan. 

            Siya nawa.


N:       Panginoon kong Diyos na yamang inilagak mo sa amin ang mga bakas ng Santong Pasyon at mahal na kumot na ibabalot sa kabanal-banalan Mong katawan nang tanggalin ka at ibaba ni Josef sa Cruz, Ipinagkaloob Mo po sa amin, mahabaging Panginoon, alang-alang sa Iyong paglilibing kami'y dalhin Mo sa Santa Gloria ng pagkabuhay mong mag-uli, sa kasamahan ng Diyos Ama't pakikipagkaisa sa Diyos Espiritu Santo magparating man sa walang hanggan.

S:        Siya nawa.

N:        Kataas-taasang panginoon kong Diyos na walang hanggan, pinag-aamo-amo po namin sa Iyong buong kapakumbabaan, tanggapin Mo na po sa ikaaawas ng mga dakilang kasalanan, itong tatlong (3) Ama Namin, tatlong (3) Aba Ginoong Maria, at tatlong (3) Luwalhati na dinasal namin sa mataas na pag-aalaala namin sa Pasyon kasantu-santuhan ni Hesus na anak Mo, Ito'y inilagak Mo tanda ng bukod na pag-aalaala namin sa walang katapusan niyang pag-ibig sa Santisimo Sakramento sa altar. 

           Ipinamamanhik po namin sa Iyo Panginoon kong Diyos na kalarahin at ikababantog sa ikalalatag ng Santa fe Katolika at ng katahimikan nitong mga haring kristianos at ikapapawi ng mga Erihias at ikapapanalo sa mga di-binyagan at ikapagpapasuko sa mga taga-Tierra Santa at ikagiginhawa ng mga kaluluwa na nagkakasakit sa Purgatoryo lalong-lalo na ang kaluluwa ng Ama naming Santo Papa na nagsipagkaloob sa amin ng masaganang indulhensiya sa aming nagsispagdasal ng mataimtim sa puso nitong istasyon. 

       Yayamang katapusan nitong Ama Namin at Aba Ginoong Maria ay sa kagalangan din kay Hesukritong Panginoon namin na kinabubuhayan at pinaghaharian ng Diyos Ama at pakikipagkaisa sa Diyos Espirito Santo, magparating man sa walang hanggan.

S:        Siya nawa.

N:       Pagkalooban mo siya ng Panginoon ng kapayapaang walang hanggan.

S:        Bigyan Mo po siya ng ilaw at liwanag.

N:        Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.

S:        Siya nawa.

N:        Huwag Mo nang alalahanin Panginoon ang kaniyang/kanilang mga sala

S:       Huwag mong sunugin at hukuman ang mundo. 

N:        Ituro Mo Panginoon ang sukat naming lakaran sa Mahal Mong Harap.

S:       Huwag mong sunugin at hukuman ang mundo.

N:       Pagkalooban mo siya ng Panginoon ng kapayapaang walang hanggan.

S:       Huwag mong sunugin at hukuman ang mundo.

N:        Mapanatag nawa siya sa kapayapaan.

S:        Siya nawa.

N:        Kyrie Eleison-Christe Eleison (Lord have mercy, Christ have mercy) (tatlong ulit)

Lahat:        Ama Namin.... (mahina)

Lahat:        Sanctus Deus, Sanctus Immortalis, miserere nobis (Holy God, Holy Immortal, have mercy on us) (tatlong ulit)

Lahat:        Bendito, alabado, sea Santissimo, Sacramento del Altar, de limpia Inmaculada Concepcion, dela Virgen Maria,  Madre de Dios, Señora Nuestra, Concivida semancha Peccado Original alpamer estante necicer natural et siempre amas, Amen Jesus.

(Blessed and praised be the Most Holy Sacrament of the Altar, and the Immaculate Conception of the Most Holy Mary, Mother of God and our Lady, conceived without original sin in the instant of her birth, forever and ever. Amen) 

ANIMA CHRISTI

N: Kaluluwang Mahal ni HesuKristo Pakasantusin mo siya. Katawang Mahal ni HesuKristo. Pakasakupin mo siya. Tubig sa tagilirang Mahal ni HesuKristo. Pakahugasan mo siya. Dugong Mahal ni HesuKristo. Pakalungihin mo siya. Pasyong Mahal ni HesuKristo. Pakatapangin mo siya. O Magandang Hesus, Pakingan Mo ako.  Itago mo siya sa mga sugat mo. Huwag mong ipahintulot na mahiwalay sa iyo. iadya Mo siya sa Demonyong kaaway, tawagin mo siya sa oras ng Kamatayan niya ng makasama siya ng mga Santos at Angeles Mo na nagpaparito at magpapasalamat ng walang hanggan.

S:        Siya nawa.

N:      Huwag Mo siyang ipahintulot sa tukso.

S:       Pakaingatan Mo siya sa masama.

N:      Sa pinto ng impierno.

S:        Iila Mong kaluluwa niya.

N:      Mapanatag siya sa kapayaaan.

S:        Siya nawa.

N:      Pakinggan Mopo ang hingi ko.

S:        Ang aming pagtawag ay dumating nawa sa Mahal na tainga Mo.

N:      Oremus Dios na mapagpatawad at masintahin sa kaginhawahan nitong taong inihihingi namin na kaawaan Mo. 

       Ipahintulot Mo nawa mga magulang, kapatid, kamag-anak at mapag-ampon nitong katipunan nangamatay na at dahilan sa tulong parati ng Birheng Santa Maria at nang lahat ng mga Santo ay mangyaring makarating at mangagsasama doon sa kaluwalhatiang palagi, Dios na gumawa at sumakop sa lahat ng nagsisisampalataya. 

    Patawarin ang kasalanan ng buo Mong kampon ayon sa kanilang mga karaingan, yaong indulhensiyang ninanasa nitong parati alang-alang sa buhay at kaharian magparating man sa walang hanggan.

S:        Siya nawa. 

N:      Iluwalhati Mo po Panginoon ko ang kanyang kaluluwa. pagkalooban Mo siya Panginoon ko ng kapayapaang walang hanggan.

S:        Bigyan Mo siya ng ilaw at liwanag na walang hanggan.

N:      Mapanatag siya sa kapayapaan.

S:        Siya nawa. 

__________________________________________
(Uulitin ng 3 beses)

N:       Alabado sea Santísimo Sacramento del Altar (praised be the most holy)

S:        Por siempre Alabado Bendito (Praised and blessed forever)

(Hangang dito ang uulitin ng 3 beses)
__________________________________________
(Uulitin ng 3 beses)

N:      Ave Maria Purisima. (Hail Mary Most Pure)

S:       Sin pecado Concebida. (conceived without sin)

(Hangang dito ang uulitin ng 3 beses)
__________________________________________

Comments